Ilang kandidato sa eleksyon 2022, sasalang sa e-rally ng COMELEC mamayang gabi

Magsisimula na mamayang gabi ang electronic rally o e-rally ng Commission on Election (COMELEC) ng mga kandidato sa 2022 election.

Ayon sa COMELEC, apat na kandidato sa pagkapangulo at tatlo sa pagkabise presidente ang haharap sa e-rally.

Kabilang sa mga ito sina presidential candidates Vice President Leni Robredo, Senators Panfilo Lacson, Bongbong Marcos at Manila Mayor Isko Moreno.


Gayundin sina Walden Bello, Senators Kiko Pangilinan at Tito Sotto.

Limang pambato rin sa pagkasenador at limang kinatawan ng partylist group ang haharap sa e-rally.

Ang e-rally ay mapapanod sa Facebook at YouTube page ng COMELEC, mamayang alas-7:00 ng gabi.

Facebook Comments