Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang ilang mamamahayag na nagnanais maging intervenor sa orihinal na petisyon ng online news site na Rappler.
Kaugnay ito ng sinasabing pagbabawal sa Rappler na magcover sa events ng Pangulong Duterte.
Kanina, nagsumite sa SC ng petition for intervention ang nasabing mga journalists kasama ang grupong Free Legal Assistance Group o FLAG.
Kabilang sa mga nagpetisyon para mag-intervene ang mga kolumnistang sina Ceres Doyo, John Nery at Solita Monsod.
Naniniwala ang mga ito na kasama sila sa ban ng Pangulo na anila’y l paglabag sa press freedom.
Ang iba pang mamamahayag na kasali sa petition-in-intervention sina dating Center for Media Freedom and Responsibility Executive Director Melinda Quintos de Jesus, Inday Espina Varona, Vergel Santos, Twink Macaraig, Marites Vitug, Atom Araullo, at Tina Monzon Palma.