Ilang kompanya ng langis, ipinatutupad na ang fuel discount sa mga PUV at TNVS kasunod ng hiling ng DOE

Nagpatupad na ng diskuwento para sa pampasaherong sasakyan at Transport Network Vehicle Service (TNVS) ang halos lahat ng kompanya ng langis.

Ayon sa Department of Energy (DOE), tumugon na ang mga kompanya para magkaloob ng mula P1 hanggang P5 diskuwento na maaring matanggap ng PUVs at TNVS.

Tulad na lamang ng ulat na isinumite ng Shell na may P1 hanggang P5 discount sa PUV at P2 hanggang P3 para naman sa mga TNVS.

Iyan ay sa pamamagitan ng kanilang public transport dicount program para sa miyembro at hindi miyembro ng Go plus.

Habang nasa P2.50 ang discount sa gasolina P1.50 discount sa diesel para sa mga PUVs sa pamamagitan ng kompanyang Caltex.

Sinabi ng Energy department, bahagi ito ng matagumpay na pakikipag-pulong sa pagitan ng ahensya at mga oil company partikular na ang panawagan nila na magbigay ang mga retailer ng produktong petrolyo sa public utility drivers.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi na kailangang ipatupad ang fuel subsidy kung magpatuloy ang pagbaba ng presyo ng langis sa world market na ikinalungkot naman ng ilang transport group.

Facebook Comments