Ilang kompanya ng langis, magpapatupad ng oil price hike sa susunod na linggo

55

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na hindi rollback at sa halip ay dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa susunod na linggo.

Ayon sa kompanyang Jetti Petroleum, asahan na ang oil price hike matapos ang ilang linggong bawas presyo sa mga petroleum product.

Sa pagtaya ng Jetti, maaaring 15 centavos hanggang 20 centavos ang madagdag sa kada litro ng kanilang diesel.

Habang sa presyo naman ng gasolina ay maaring 30 centavos hanggang 35 centavos ang madagdag.

Maaari pa anilang mabago ang estimated na dagdag presyo.

Facebook Comments