Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot, balik trabaho na

231

Nakabalik na sa trabaho si Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot matapos ang mahigit isang buwan nitong leave.

Matatandaan na noong November 18, 2018 nang maghain ng 30-araw na leave of absence si Loot at noong December 5 muli itong humiling ng dagdag na 30-araw na leave.

Kahapon ay nagpakita na sa munisipyo ng Daanbantayan si Loot na sinalubong naman ng mga opisyal ng munisipyo, mga barangay official at SK official.

Kaagad ding sumabak sa trabaho si Loot at nagpasinaya ng isang bagong bukas na fast food chain sa Daanbantayan.

Sa kasagsagan ng kaniyang leave, nagtungo sa Canada at Estados Unidos si Loot at binisita ang kaniyang mga kapatid.

Si Loot ay kabilang sa mga dating police official na kasama sa narco-list ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments