Ilang kompanya ng langis, nag-rollback sa presyo ng petrolyo ngayong araw

35

Manila, Philippines – Nagpatupad na ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis ngayong araw.

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella – 20-sentimos ang itatapyas sa kada litro ng gasolina habang 60-sentimos naman sa diesel.

Ito aniya’y dahil sa paggalaw ng presyo ng krudo sa world market.

Kaninang hatinggabi, una nang nagpatupad ang Flying-V at Seaoil habang sinundan ito kanilang alas-6:00 ng umaga ang PTT Philippines, Pilipinas Shell at Phoenix Petroleum.

Ang Flying V, Seaoil at Pilipinas Shell ay magbabawas ng 50-sentimos kada litro ng kerosene.

Facebook Comments