PNP Chief, nagpahayag nang pagkapikon sa pagtawag sa kanya na BATU-GAN dahil sa umano’y kapabayaan sa problema sa riding in tandem criminals

32

Manila, Philippines – Tila napipikon na si PNP Chief Ronald dela Rosa sa mga tumatawag sa kaniya ng kung anu anong pangalan.

Kasama na ang pagtawag sa kaniya ni Senador Dick Gordon na BATUGAN sa pagtugon sa problema sa mga riding in tandem.

Pero ayon kay dela Rosa, wala pa ring problema sa kanya dahil kapalit ito ng suweldo na kaniyang tinatanggap bilang hepe ng pambansang pulisya.

Pero binalaan ang mga nagmamagaling umano niyang mga kritiko.

Dahil kapag ito ay napikon ang Bato ay nagiging Machine Gun o kaya ay Gatling Machine Gun.

Giit ng heneral hindi nila pinababayaan ang problema sa mga riding in tandem criminals.

sa katunayan ay binanggit pa niya ang accomplishment ng SPD na apat ang patay, 53 ang arestado at 45 ang kanilang kinasuhan.

Facebook Comments