ILANG KOMYUTER AT MAMIMILI SA DAGUPAN CITY, UMIIWAS LUMUSONG SA BAHA

Mas pinili na lang ng komyuter na ito na makisuyo at sumakay sa isang kariton para hindi mabasa at lumusong sa tubig baha sa bahagi ng Downtown, Dagupan City.

Sinubukan naman ng iba na tumawid gamit ang mga sako ng buhangin na inilagay para madaanan ngunit kahit ang mga ito ay naabutan na rin ng tubig.

Kaya naman napipilitan na lamang ang mga mamimili maging ang mgabata na lumusong kahit pa posible ang banta ng iba’t-ibang sakit tulad ng alipunga at leptospirosis.

May ilan naman na nagsusuot pa rin ng bota upang tiyak na protektado at hindi mababasa ng tubig hightide.

Ang hightide kasi sa nasabing bahagi kahapon, bahagyang may kataasan na maaga pa lamang kaya naabot na halos ang gitna ng kalsada.

Dulot ito ng tumataas na lebel ng tubig sa Sinocalan River dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan mula sa habagat at bagyong Crising.

Maaga naman na nagbigay abiso ang lokal na gobyerno ng lungsod ukol sa pagtaas ng tubig lalo sa mga low lying areas.

Samantala, patuloy naman ang monitoring ng lokal na gobyerno at CRRMC sa mga bahagi sa lungsod kabilang ang flood mitigation project bilang solusyon sa tubig baha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments