Ilang kongresista, hindi kumbinsido sa ipinakitang sitwasyon ng pangulo

Manila, Philippines – Sa kabila ng ipinakitang larawan na maayos ang Pangulo at nagtatrabaho ito, hindi pa rin kumbinsido si Ifugao Rep. Teddy Baguilat dahil hindi naman sinasabi ng Malacañang ang mga naging lagay nito noong nakaraang Linggo.

Ayon kay Baguilat, ang paliwanag lamang ng ilang araw na leave ng Pangulo ay posibleng may kinalaman sa kanyang kalusugan.

Hinala pa ng kongresista, ang matagal na pagkawala sa mata ng publiko ng Pangulo ay maaaring nagpacheck up ito.


Hindi naman aniya basta basta magpapahinga at titigil sa trabaho ang Presidente ng walang dahilan.

Dapat aniyang idisclosed ang sitwasyon ng Pangulo dahil panahon pa man ng dating Pangulong Corazon Aquino ay itinuturing ng national concern ang kalusugan ng Presidente ng bansa.

Facebook Comments