Surigao Del Sur, niyanig ng magnitude 4.9. na lindol

Manila, Philippines – Tinamaan ng magnitude 4.9 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur at naramdaman pa sa kalapit na syudad kaninang alas nueve 44 ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang naging sanhi ng pag galaw ng lupa sa lalim na 6 na kilometro.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 55km ng North East ng Bislig City ng Surigao Del Sur.


Naramdaman ang lakas na intensity 4 sa Bislig City habang intensity 2 sa hintuan Surigao Del Sur.

Walang napaulat na nasaktan nasira sa malakas na lindol habang wala na ring inaasahan pang aftershock.

Facebook Comments