Ilang Kongresista, hindi tutol kung si CGMA ang magiging House Speaker

97
Ang pahayag na ito ay kasunod ng posibilidad na mapatalsik si Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa mga polisiyang ipinapatupad nito sa Kamara.
 
Ayon kay Alejano, hindi sila kokontra kung ang gusto ng marami na maging susunod na Speaker ay si CGMA.
 
Aniya, hindi ito magiging problema dahil hindi naman personal ang alitan ng Magdalo kay Arroyo.
 
Matatandaang nanguna sa Oakwood Mutiny ang Magdalo na pinamunuan noon ng ngayo’y Senator Antonio Trillanes at kung saan kasama din siya Alejano bilang pagrebelde sa pamumuno noon ni Arroyo.


Facebook Comments