Mahigit isang milyong shabu, nakumpiska sa tatlong magkahiwalay na operasyon ng kapulisan sa Cagayan de Oro

Cagayan de Oro, Philippines – Umabot sa mahigit isang milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Cogon police station sa syudad ng Cagayan de Oro sa tatlong magkahiwalay na drug buy bust operation.
Unang nadakip kagabi, ang 19 anyos na si Dexter Montes na nakunan ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit 15 libong piso.

Naaresto rin kagabi, ang 40 anyos na si Roberto Amorio, Jr. na nakunan ng shabu na nagkakahalaga ng 45-thousand pesos.

Samantala kaninang ala una ng umaga, nakuha naman mula sa 34 anyos na babaeng si Marivic Arias ang shabu na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

 Annaliza Reyes

Facebook Comments