Ilang kongresista, itinanggi ang pagpapatalsik kay Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay sa ABS-CBN franchise

Mariing itinanggi ng ilang mga mambabatas na may planong patalsikin sa pwesto si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ang reaksyon ay bunsod na rin ng pahayag ni Cayetano na ginagamit ang ABS-CBN franchise issue para mapaalis siya sa posisyon sa Kamara.

Ayon kay Cebu Representative Raul del Mar, na miyembro ng Liberal Party (LP), ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang kudeta laban kay Speaker Cayetano.


Giit ni Del Mar, kung meron mang ouster plot kay Cayetano ay dapat nalalaman niya dahil palagi naman siyang present sa Kongreso.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na didinggin nila ang panukalang i-renew ang franchise ng giant network kapag humupa na ang emosyon ng lahat.

Umaasa naman si Del Mar na igagalang nila si Cayetano at Marinduque Representative Allan Velasco, ang usapang term sharing agreement na napagkasunduan.

Facebook Comments