Ilang kongresista mula sa Liberal Party, handang suportahan ang extension ng martial law

Manila, Philippines – Handang sumuporta ang ilang mga mambabatas sa Liberal Party tungkol sa pagpapalawig ng martial law.

Ito ay kasunod na rin ng posibilidad na sa susunod na Linggo ay ihain ng AFP ang hiling na extension ng batas militar.

Ayon kay dating House Speaker at Quezon City Rep. Feliciano Belmonte, depende sa estado ng Marawi City kung kakailanganin ang pagpapalawig sa martial law.


Pagtitiyak ni Belmonte, kung may sapat na dahilan naman na maihaharap sa Kongreso para sa extension ng batas militar ay handa siyang sumuporta dito.

Dagdag pa ng dating Speaker, pabor din siya sa naging desisyon ng Korte Suprema sa Martial law dahil napigilan ang paghahasik ng terorismo sa buong Mindanao.

Tama lamang din aniya na sineryoso ng Pangulo ang martial law sa Mindanao dahil hindi biro ang mga kalaban na Maute terror group.

Facebook Comments