Ilang kongresista, nagbabala sa mga sinasabing gamot sa COVID-19 na talamak ngayon sa online

Nagbabala ang ilang mga mambabatas sa Kamara kaugnay sa paglipana ng mga gamot na mina-market bilang COVID-19 medicines.

Pinag-iingat ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang publiko sa mga produkto na sinasabing gamot umano sa COVID-19 matapos na mapuna ang pagkalat ng mga sellers sa mga online platforms na nagbebenta ng gamot na hindi naman pala aprubado para sa COVID-19 treatment.

Babala ng kongresista sa publiko na iwasan at mag-ingat laban sa mga ganitong sellers na walang maipakitang business registration at permits para magtinda ng regulated products tulad ng gamot.


Kasabay nito ay nagbabala rin si Deputy Speaker at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian laban sa mga abusadong online sellers na nagsasamantala sa pandemya at inilalako ang Ivermectin na gamot para sa pasyenteng may COVID-19.

Binigyang diin ni Gatchalian na nilinaw na ng Food and Drug Administration (FDA) na ang Ivermectin na rehistrado at aprubado sa bansa ay isang anti-parasitic drug na para lamang sa hayop at posibleng maging panganib sa taong gagamit nito.

Bunsod nito ay umapela ang mga kongresista sa mga e-commerce platforms na higpitan ang kanilang sistema at mga merchants laban sa mga ganitong pananamantala.

Facebook Comments