Manila, Philippines – Tiniyak ng ilang kongresista mula sa Bayan Muna na haharangin ang paglalaan ng 2 bilyong budget para sa National ID System.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, sa magiging pagdinig ng 2018 General Appropriations Act sa pagbabalik sesyon para sa 2nd regular session ng 17th Congress ay tututulan nila sa makabayan ang nasabing plano na paglalaan ng pondo.
Umaalma rin si Zarate dahil hindi pa naman batas ang panukala pero mayroon na agad na inilaan na pondo dito ang Department of Finance.
Sinabi pa ni Zarate na hihimayin nila ang budget sa National ID sa kongreso dahil maraming pangangailangan ang mga mahihirap na siyang mas dapat na binibigyan ng pondo.
Facebook Comments