Ilang kongresista sa Kamara, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating CDO Mayor Atty. Reuben Canoy

Kasama ang mga constituents sa Cagayan de Oro City ay nagpaabot ng pakikiramay si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa pagpanaw ni dating CDO Mayor at Atty. Reuben Canoy.

Ayon kay Rodriguez, buong Mindanao ay nagdadalamhati ngayon sa pagyao ni Atty. Canoy na isa sa mga itinuturing na “great intellectuals” at isa rin sa mahusay na public servant ng bansa.

Malungkot aniya ang buong CDO dahil hindi lamang sila nawalan ng isang lider, at intellectual giant kundi nawalan sila ng isang tunay na federalist na nagbigay inspirasyon sa ilang henerasyon na ng mga leaders kabilang na rito ang kongresista.


Si Atty. Canoy aniya ay totoong nagmamalasakit at nagmahal hindi lamang sa kanilang lugar kundi sa buong Mindanao dahil sa masigasig na pagsusulong nito sa potensyal at kapakanan ng mga taga-Mindanao.

Si Mayor Canoy ay nagsilbi ring Regional Assemblyman para sa Region 10, undersecretary para sa Public Information at isa sa mga haligi ng Radio Mindanao Network (RMN).

Facebook Comments