Ilang Kongresista, suportado ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon

Suportado ng ilang mga Kongresista ang ipinapatupad ng gobyerno na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Naniniwala sina ACT-CIS Representative Nina Taduran, ako Bicol Representative Alfredo Garbin at Caloocan City Representative Edgar Erice na ang Enhanced Community Quarantine ang nararapat na hakbang at solusyon para mapigilan ang pagkalat ng virus at ang bilang ng mga namamatay dito.

Sinabi ni Taduran na bagamat nagagawa naman ng pamahalaan ang kanyang papel para protektahan ang kapakanan ng mamamayan, dapat ay isunod naman na ihanda ng gobyerno ang pamamahagi ng pagkain, masks, at medical supplies upang maalis na rin ang pangamba ng mga tao.


Hinimok naman ni Garbin ang pamahalaan na higit na paghandaan ang ‘worst case scenario’ lalo pa at nakakabahala na sa pilipinas ay 8 hanggang 9 na porsyento ang mortality rate sa COVID-19.

Pinatututukan naman ni Erice ang mga nasa marginalized sector na dapat unahing mabigyan ng tulong ng gobyerno partikular na sa pagbibigay ng pagkain.

Nanawagan naman ang mga kongresista sa publiko na makiisa at makisama sa nasabing hakbang ng pamahalaan.

Facebook Comments