Partner at mga anak ni PRRD, sumailalim narin sa COVID-19 test

Kinuhanan na rin ng swab samples maging ang kapartner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avancena, at ang kanilang anak na si Veronica o Kitty Duterte.

Maging sina Davao City Vice Mayor Sebastian Baste Duterte at dating Vice Mayor Paolo Pulong Duterte ay kinuhanan na rin ng swab samples.

Gayunpaman hindi pa naipadadala rito sa manila ang mga swab samples para masuri Sa Research Institute For Tropical Medicine (RITM).


May nauna nang pahayag si Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio na si Vice Mayor Baste ay itinuturing ngayong Person Under Investigation (PUI) matapos makaranas ng lagnat, ubo, sipon at pananakit ng lalamunan.

Samantala, si Pangulong Duterte ay nauna na ring isina ilalim sa COVID-19 test at negatibo naman ang resulta nito.

Facebook Comments