Ilang kongresista, umapela sa pamahalaan na magtalaga ng vaccination sa mga transit hubs

Umapela ang ilang mga kongresista sa Department of Health (DOH), Inter-Agency Task Force (IATF) at sa National Task Force-COVID na magtalaga ng vaccination at magpadala ng vaccination team sa mga transit hubs tulad ng mga UV express, PUV taxi, jeep at bus terminals.

Ang panawagan ng mga mambabatas na gawing accessible sa mga commuters at transport workers ang bakuna ay dahil na rin sa bagong Delta variant na mas nakakahawa at nagka-outbreak na sa ibang mga bansa.

“COVID-19 has been hitching rides on our transport systems. Filipinos who frequently or occasionally commute should be able to protect themselves against COVID.”


Ayon kay Deputy Speaker at Biñan City Rep. Marlyn “Len” Alonte, hindi malabong nadadala sa pagbiyahe ang COVID-19 kaya marapat lamang na maprotektahan din ang mga commuters.

Iminungkahi ni Alonte na i-deploy ang ilang Sinovac vaccines sa inter-island ferry terminals, bus terminals, airports, light rail at PNR stations, gayundin sa jeepney at tricycle waiting stations.

“These transit hubs where COVID carriers and victims converge. I see these transit hubs as chokepoints where the Coronavirus can be intercepted.”

Naniniwala naman si BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co na ang mga transit hubs ay lugar kung saan natitipon ang mga COVID carriers at ibang walang sakit.

Nagsisilbi aniyang chokepoints ang mga transit hubs na ito na maaaring makakuha ng sakit habang naghihintay at nakapila bago makasakay.

“This is doable. These malls are easily accessible. Mall operators have been cooperating on quarantines and safety protocols. Vaccinating commuters creates and protects jobs. Doing this is good for the economy and businesses.”

Inirekomenda ni Co na maglagay ng vaccination sa mga malls na may mga terminals lalo’t mas accessible ito.

Paliwanag ng lady solon, bukod sa mapoprotektahan ng bakuna ang trabaho ng mga commuters, makabubuti rin aniya ito sa ekonomiya at mga negosyo sa bansa.

Facebook Comments