Ilang kongresista, umatras sa pagsuporta sa tax reform package

Manila, Philippines – Naghahanda na ang mga kongresistang tutol sa tax reform bill na kwestyunin o harangin ito sa plenaryo.

Himutok kasi ng mga ito, bababa nga ang personal income tax pero tataas naman ang mga gastusin dahil sasabayan ng mga bago at dagdag na buwis ang pagbaba ng income tax.

Sabi ni bayan muna Rep. Carlos Isagani Zarate, kasama na rito ang value added tax sa mga paupahang bahay na P10,000 pababa buwan-buwan.


Una rito, umatras na bilang author ng tax reform si Zarate kung saan sumulat na rin si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio para sabihing tutol din siya sa panukala at plano rin niyang makipag-debate sa plenaryo.

Sumulat naman si Navotas Rep. Toby Tiangco para ipabura sa panukala ang excise taxes para sa petroleum products.

Dapat lang aniyang buwisan ang kerosene kung gagamitin sa eroplano.

Para kay Tiangco mas magandang habulin ng gobyerno ang oil smuggling para madagdagan ang kita nito.

Paliwanag naman ni House Ways and Means Committee Chairman Dakila Carlo Cua – kaya mayroong buwis ang kerosene ay para maiwasan ang pagbebenta ng mas murang petrolyo na may halo.

DZXL558

Facebook Comments