Dating surfing world champion, nag surf kasama ang nasa 25 mga aso

Manila, Philippines – Isang dating surfing world champion ang nakapagtala ng hindi pa opisyal na world record nang siya’y mag-surf kasama ang 25 aso.

Isinakay ni Chris De Aboitiz ang mga aso sa isang malaking surfing board na 17 talampakan ang haba at limang talampakang lapad bago sila pumalaot sa isang beach sa Queensland, Australia.

Ayon kay Aboitiz, dapat ay 26 na aso sana ang kaniyang kasama pero tumalon ang isa mula sa surf board bago pa sila nagsimula.


Ang dating opisyal na world record sa sabay-sabay na pag-surf ng mga aso ay 17.

Nasa 100 ang mga nanood sa beach sa pag-surf ng mga aso at ni Aboitiz, na kilala bilang isang “dog whisperer” o taong magaling magpasunod sa mga aso.

Unang nakilala si Aboitiz nang mapanalunan niya ang world tandem surfing title noong 1999 at mula noon ay nagtuturo na siya sa mga aso.
DZXL558

Facebook Comments