ILANG KONSYUMER SA PANGASINAN, SINASAMANTALA NA ANG MGA DISCOUNTED NOCHE BUENA ITEMS SA MGA MALLS

Sinasamantala na ngayon ng ilang mga konsyumer sa lalawigan ang pagkakaroon ng mga discounted noche Buena items sa mga mall nang sa gayon ay makatipid dahil sa taas ng mga bilihin ngayon.
Ang ilan sa mga konsyumer, nagpunta na agad sa mga malls simula nang mabalitaan mula sa DTI Pangasinan na may mga noche Buena items na discounted sa mga malls para hindi na sila maubusan at bawas na rin sa pagba-budget.
Malaking tulong umano ang mga discounted noche Buena items na ito sa konsyumer lalo na sa mga kapos talaga at nais na mairaos ang holiday season at nang may maihanda kahit kakaunti lamang.
Nanghihikayat na rin ang DTI Pangasinan sa mga mamimili na samantalahin na ang mga discounted noche Buena items sa Diskwento Caravan na siyang available sa iba’t ibang bahagi ng mall sa Pangasinan.
Magtatagal ang nasa sampung porsyentong discount sa mga naturang items hanggang unang linggo na lamang ng buwan ng Disyembre kung kayat inaasahan na rin ang dagsa ng mga mamimili sa mga papalapit pang mga araw. | ifmnews
Facebook Comments