MGA UNCLAIMED UMID CARD SA SSS DAGUPAN, HANGGANG DECEMBER 29 NA LAMANG MAAARING MAKUHA

Hanggang sa December 29, 2023 na lamang ang pinakahuling araw kung saan maaaring makuha ang mga unclaimed na UMID cards sa SSS Dagupan Branch, ayon yan sa central office nito.
Ang mga unclaimed UMID cards kasi sa naturang branch umabot na sa higit dalawang daan kung saan hindi pa in-avail ng personal ng mga miyembro na siyang dapat lamang na makuha.
Ang isa sa dahilan ng hindi pa pagkuha ng mga nagparehistrong miyembro ay dahil hindi na ma-access pa at hindi na matawagan ang mga numerong inilagay nila sa registration para ma-contact ng SSS.

Sa oras na hindi makuha ng mga nagparehistrong miyembro ang kanilanbg mga unclaimed UMID cards sa itinakdang deadline ay uumpisahan na itong i-dispose ng SSS at kailangan muli nilang dumaan sa proseso ng registration. | ifmnews
Facebook Comments