Ilang korte sa Bicol Region at Southern Tagalog, hindi rin nakaligtas sa pinsala ng Bagyong Rolly

Kinumpirma ni Supreme Court Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka na may natanggap silang report sa naging pinsala sa ilang mga korte sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Rolly.

Partikular sa Region 5 o Bicol Region at ilang mga lalawigan sa Southern Tagalog.

Sa Naga City at Libmanan, Camarines Sur, nagkaroon ng minor damages ang Hall of Justice at wala ring kuryente.


Hinihintay naman ng Korte Suprema ang update mula sa Masbate at sa Catanduanes na matinding sinalanta ng Bagyong Rolly.

Sa Gubat at Sorsogon City sa Sorsogon, walang naiulat na substantial damage gayundin sa Siniloan, Laguna.

Patuloy namang nangangalap ng ulat ang Korte Suprema mula sa mga Isla ng Mindoro, Marinduque at Romblon bagamat sa inisyal na impormasyon ay walang ulat na pinsala sa mga korte sa mga nabanggit na lugar.

Sinabi ni Hosaka na sa ngayon ay wala silang nakukuhang abiso kaugnay naman sa anumang suspensyon ng trabaho sa mga korte sa mga lugar na apektado ng Bagyong Rolly.

Facebook Comments