19 na mga estudyante, patay matapos pagbabarilin sa loob ng isang unibersidad sa Kabul, Afghanistan

2262

Nasa 19 na estudyante ang patay matapos lusubin ng tatlong armadong kalalakihan ang Kabul University sa Afghanistan.

Ayon kay Interior Ministry Spokesman Tariq Arian, bukod sa mga nasawi nasa 22 ang sugatan kung saan nagawa naman ng Afghan Security Forces na mapatay ang mga armadong kalalakihan.


Itinanggi ng Taliban group na sila ang may gawa ng pamamaril pero inako naman ng Islamic state ang insidente saka inihayag na target sana nila ang graduation ng mga judges at investigators na nagta-trabaho sa mga tumalikod sa Afghan government.

Ito na ang ikalawang beses na nagkaroon ng karahasan sa Kabul makalipas ang isang linggo dahil noong nakaraang October 24, nasa 24 na indibidwal ang nasawi matapos umatake ang isang suicide bomber.

Facebook Comments