Nag-abiso ang Korte Suprema kaugnay sa pansamantalang pagsasara sa ilang korte sa Metro Manila at Bulacan dahil sa mga gagawing disinfection laban sa COVID-19.
Epektibo ngayon araw hanggang sa March 12 ang pansamantalang pagsasara sa lahat ng korte sa Makati Regional Trial Court, Office of the Clerk of Court, at Metropolitan Trial Court na nasa ika-sampu at ika-labing pitong palapag ng Makati City Hall Building.
Samantala, ang Family Court Branch 11 sa Pasay City ay pansamantalang isinara rin hanggang sa March 16.
Ang Malolos City RTC Branch 4-FC ay pansamantala ring sarado hanggang sa March 23.
Sa abiso ng SC sa mga may transaksyon sa mga nasabing hukuman, maaari na lamang silang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email address, o kaya ay sa hotline numbers ng mga nabanggit na korte.