Ilang kumpanya ng barko, nagtaas na rin ng singil sa pasahe

Posibleng tumaas ng hanggang 25% ang shipment cost o singil ng mga barko sa paghahatid ng mga kargamento.

Ayon kay Philippine Liner Shipping Association (PLSA) President Mark Matthew Parco, umabot na sa 50% ang operating cost ng kanilang miyembro dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.

Pinakiusapan aniya sila na huwag magtaas ng singil noong nagsimula pa lang ang pandemya na kanila namang ginawa upang makatulong sa bansa.


Dagdag pa ni Parco, bagama’t ilang taon nang nalulugi ang industriya, ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang operasyon dahil mahalagang maihatid ang mga kargamento sa iba’t-ibang lugar ngunit gayunpaman ay kailangan din nila ng pondo upang maipagpatuloy ang kanilang negosyo.

Samantala, sinabi naman ng Maritime Industry Authority o MARINA na deregulated na ang domestic shipping industry kung kaya’t na wala silang magagawa kundi makiusap sa mga shipping company na huwag taasan ng sobra ang singil.

Facebook Comments