Pamamahagi ng ₱200 ayuda, wala pang schedule – DBM

Wala pang nakatakdang schedule ang Department of Budget and Management (DBM) kung kailan ipamamahagi ang ₱200 na buwanang ayuda para sa mahihirap na pamilya.

Ayon kay acting Budget Secretary Tina Canda ,bagama’t hindi nila alam kung kailan ang eksaktong panahon ng pamamahagi ng ₱200 na ayuda ay umaasa ang ahensya na maipamahagi na ito kaagad dahil marami na ang nagrereklamo sa pagtaas ng presyo ng bilihin.

Dagdag pa ni Canda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mangunguna sa pamamahagi nito at matrabaho ito kung kada buwan na maglalabas ng ₱200 ang DSWD.


Sa kabuuan ay aabot sa ₱33.1 billion na pondo ang halaga ng naturang programa ng pamahalaan.

Facebook Comments