Ilang kumpanya ng langis, may bahagyang rollback sa susunod na linggo

May kaunting rollback sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa susunod na linggo.

 

Sa abiso ng Unioil Petroleum Philippines, magkakaroon ng sampung sentimo kada litro ang bawas-presyo sa diesel.

 

Habang walang inaasahang paggalaw sa presyo ng gasolina.


 

Bukod dito, nag-abiso rin ang Jetty Petroleum ng lima hanggang sampung sentimong bawas-presyo sa kanilang diesel habang wala ding pagtaas sa gasolina.

Facebook Comments