Ilang kumpanyang beverage, nangakong magbabawas ng packaging recycle waste matapos mapabilang sa top polluter tag

Nangako ang kumpanya ng Coca-Cola, Nestle at Pepsi’Co na babawasan nila ang packaging recycle waste sa kanilang mga produkto matapos mapabilang sa listahan ng “Top Plastic Polluters” ng Environment Network Break Free.

Sa ikalawang pag-audit ng Environment Network Break Free mula sa mga plastic ay umabot sa 470,000 piraso ng mga platic bottles ang nakolekta ng mga volunteers mula sa iba’t ibang clean-up events sa mahigit 50 bansa.

Ayon sa Coca-Cola at Nestle Food Company, kanilang tutugunan ang naturang problema kung saan, plano nilang  bawiin ang 100 porsyento ng kanilang mga bote hanggang 2030 para masolusyonan ang nasabing isyu.


Magbabawas din ng 35 porsyento ng plastic ang Pepsi Co kung saan, 100 porsyento naman sa kanilang produkto ay maaaring ma-recycle.

Facebook Comments