Dennis Trillo, gustong makasama sina Sarah Geronimo at Bea Alonzo sa isang proyekto

Gustong makasama ng actor-model na si Dennis Trillo sa isang proyekto sina Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Ayon kay Dennis, marami na syang nakasama sa mga pelikula pero isa raw sa pinakagusto niyang makasama sa isang proyekto ay sina Bea at Sarah.

Aniya, learning experience daw ang makatrabaho ang mga artistang hindi madalas nakikita at nakakasalamuha mula sa kabilang TV network.


Dagdag pa ni Dennis, masaya, maraming options, very organized at professional lahat ng mga artista sa kabilang network kaya mas marami aniya siyang matututunan.

Sinabi rin niya na very pleasant daw at magaling umarte sina Sarah at Bea kaya umaasa rin siya na makakatrabaho niya ang dalawa.

Facebook Comments