Ilang labi ng mga nasawi sa malaking sunog sa Grenfell Tower sa London, hindi pa rin nakukuha

London – Hirap ngayon ang otoridad na makuha ang bangkay ng mga nasawi sa sunog sa Grenfell Tower na isang residential building sa Lancaster, West Estate, West London.

Ayon sa mga otoridad – posibleng abutin pa ng ilang linggo ang search operations na isinasagawa sa nilamon ng apoy na gusali.

Una nang napaulat na 17-katao na ang kumpirmadong patay sa nasabing insidente at aabot naman sa 80 ang ginagamot pa sa ospital, kung saan 15 naman ang nasa kritikal na kalagayan.


Ayon sa mga awtoridad, marami pa umanong nawawala at hindi pa natatatagpuan.

Dagdag pa ng mga ito, hindi pa matukoy ang dahilan ng sunog na nagismula sa ikalawang palapag ng 27-storey tower at may 130 na units na itinayo noong taong 1974.

Facebook Comments