BDO, nakararanas din ng aberya sa kanilang ATM

Manila, Philippines – Maging ang BDO Unibank ay nakakaranas na rin ng ilang aberya.

Ilang posts kasi sa social media ang nagsasabi na may mga depositor na nawalan ng pera dahil sa “skimming” o pangongopya ng account details nila.

Kaugnay nito, hinikayat na ng BDO ang kanilang depositors na agad i-report kung sila ay nabiktima o apektado ng ATM fraud.


Sinabi ng BDO na kung may mapapansing unauthorized transactions sa kanilang account, dapat ay agad itong i-report sa kanilang branch para maimbestigahan at matugunan.

Magugunitang noong nakaraang linggo, nagkaproblema ang BPI matapos makapagtala ng unauthorized transactions ang kanilang mga kliyente.

Facebook Comments