Naaalarma na ang grupong Federation of Free Workers (FFW) sa lumalala at pagbabalewala umano ng administrasyong Duterte sa usapin ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa.
Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula, nangako umano si Pangulong Duterte na tuldukan na ang usapin ng kontrakwalisasyon sa kanyang presidential campaign noon pero patuloy umanong napapako lamang at ang Security of Tenure Law naman ay nai-vetoe lamang ng pangulo at ang kapalit na panukalang batas naman umano ay hindi naman senisertipikahan na urgent.
Paliwanag ni Atty. Matula, humigit kumulang 50 mga nurse sa Jose Rodriguez Hospital sa Tala Kalookan ang nawalan ng trabaho makaraan magtapos ang kanilang service of contract kahapon June 30, 2021 kung saan ilang taon na rin silang nakikipaglaban sa COVID-19 pero pinagkakaitan umano sila ng gobyerno na matulungan upang maregular sa kanilang trabaho.
Giit pa ni Atty. Matula, tinagurian pa namang na mga bayani ang mga nurse dahil sa kanilang pagligtas sa mga Pilipino mula sa nakamamatay na virus na COVID-19 pero mistula umanong napababayaan na sila ng pamahalaan dahil sa nanatili pa rin silang mga kontrakwal sa kanilang trabaho.