Ilang labor group, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni dating Pangulong Fidel Ramos

Nagpaabot ng pakikiramay si Federation of Free Workers President Atty. Sonny Matula sa mga naulilang pamilya ni yumaong dating Pangulong Fidel Valdez Ramos na sila dating First Lady Ming Ramos, kanilang mga anak at mga apo sa pagpanaw ng dating pangulon ng bansa.

Ayon kay Atty. Matula, noong taong February 25, 1986, tinaguriang bayani si FVR matapos na kumalas sa dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. at nagsimula ang Edsa Revolution 1 at noong taong 1992, ang Federation of Free Workers at si Juan C. Tan ay inendorso si FVR para tumakbo sa pagkapangulo at ito’y pinalad na manalo.

Dalangin ng Federation of Free Workers na mabigyan ng lakas at kapanatagan sa kalooban ang inulila ni FVR na si Ming at kaniyang pamilya.


Paliwanag pa ni Atty. Matula, maraming naiaambag umano si FVR sa bansa at lumaban siya ng magandang laban at natapos niya ang naturang karera kung saan napagtagumpayan niya ito.

Facebook Comments