RMN Networks Dugtong-Buhay 2022, aarangkada na ngayong araw

30

Aarangkada na ngayong araw ang RMN Networks Dugtong-Buhay 2022 na taunang bloodletting project sa pagitan ng Philippine Red Cross, Radio Mindanao Networks Inc., RMN Foundation at Home Suite Furniture.

Bahagi ito ng nalalapit na pagdiriwang ng 70th founding anniversary ng RMN at 10th anniversary ng RMN Foundation.

Isasagawa ang bloodletting sa Conference Room ng himpilan ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa Guadalupe, Makati at sa Head Office ng RMN Networks sa Salcedo Street, Legazpi Village, Makati City.


Para sa mga nais magdonate ng dugo, magtungo lamang sa mga nabanggit na lugar mula 8AM hanggang 3PM.

Tandaan na ang pagdodonate ng dugo ay isang paraan ng pagpapakita ng suporta sa mga nangangailangan nito kaya sumali na at magligtas ng buhay.

Facebook Comments