Nakapagtala ang OCTA Research group ng bahagyang pagtaas ng COVID positivity rate sa ilang lalawigan sa bansa.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research group na na-monitor nila nitong nakaraang araw ang bahagyang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa Camarines Sur na nasa 46%.
52% naman ang positivity rate sa Tarlac, 51.8%; Zambales nasa 33.6% positivity rate; at sa Cotabato ay 26.2%.
Bahagyang tumaas din aniya sa Misamis Oriental at Iloilo.
Muli paalala pa rin ni Dr. Guido sa publiko na patuloy ang pag-iingat sa kabila na opsyonal na lamang ang pagsusuot ng face mask.
Sinabi ni Guido dapat manatiling vigilant sa pagsunod sa mga health protocols.
Facebook Comments