NPA at militar nagkasagupang muli sa Negros Oriental

Nagka-engkwentrong muli ang 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army (PA) at mga myembro ng New People’s Army (NPA) sa Negros Oriental.

Ayon sa 303rd Brigade, nakasagupa ng kanilang 62nd Infantry Battalion ang mga NPA sa Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental kaninang alas-6:00 ng umaga.

Dito nakumpiska ang tropa ng mga armas at iba pang kagamitan.


Sa ngayon, patuloy ang ginagawang hot pursuit operations sa mga rebelde.

Hindi pa naglalabas ng impormasyon ang AFP kung mayroon bang nasugatan o nasawi mula sa kanilang panig o sa mga rebelde.

Matatandaan nito lamang linggo, nakasagupa rin ng Sandatahang Lakas ang mga NPA kung saan nauwi sa pagkakapatay sa CPP-NPA spokesman at ranking leader na si Romeo Nanta alyas Juanito Magbanua.

Facebook Comments