Ilang lalawigan, double digit na sa bilang ng hawaan ng COVID-19 – OCTA Research

Nag-double digit na ang bilang ng mga taong nahawaan ng COVID-19, sa ilang lalawigan ng bansa.

Ayon sa OCTA Research Group, malaki ang itinaas ng 7-day positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga nagpasuri sa COVID-19 sa ilang lalawigan ng bansa.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA, ilan sa mga lalawigan ang double digit na ang positivity rate nitong April 29 ay ang Batangas, Benguet, Bulacan, Cebu, Palawan at Pampanga.


Pinakamataas naman ang positivity rates sa Camarines Sur (39.7%), Rizal (28.5%), Cavite (28.1%) at Laguna (21.2%) na lahat ay nasa high risk.

Muling ipinaalala ni David, patuloy na mag ingat kung lalabas ng tahanan para makaiwas sa virus.

Facebook Comments