BICOL – Isinailalim na sa state of calamity ang Camarines Sur dahil sa pananalasa ng bagyong Nina.Ayon kay Camarines Sur Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Coordinator Che Bermeo – umabot na sa isang milyon ang apektado ng bagyo habang mahigit 200,000 ang inilikas.Sa ngayon, wala pa rin linya ng kuryente sa Camsur habang apektado rin ang linya ng tubig at komunikasyon.Sa din lawak ng pinsala, isinailalim na sa state of calamity ang Catanduanes.Ayon sa Office of the Civil Defense Bicol – tinatayang nasa 3.8 billion pesos ang pinsala ng bagyo sa agrikultura.Puspusan na ang ginagawang clearing operation sa pangunguna ng Dept. of Public Works and Highway.Ilang kalsada din ang hindi pa madaanan sa rehiyon habang wala ding suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Catanduanes.
Ilang Lalawigan Sa Bicol Region, Isinailalim Sa State Of Calamity
Facebook Comments