Ilang larawan ni Pangulong Duterte, inilabas ng Malacañang

Manila, Philippines – Naglabas ang MalacaƱang ng mga larawan ni Pangulong Rodrio Duterte na nagpapakitang maaayos ang kalagayan nito.

Sa mga inilabas na presidential photos, makikita ang pangulo na bumibisita at nakikipag-kamay sa mga opisyal ng Philipine Air Force sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Kuha ang mga naturang larawan huwebes ng hapon, batay sa caption nito.


Matapos nito, ilang larawan rin ng pangulo na nagtatrabaho sa bahay pagbabago ang inilabas ni Special Assistant to the President Bong Go.

Simula noong Lunes, hindi nakadalo sa ilang aktibidad ang pangulo kayaā€™t lumutang ang mga spekulasyon na may karamdaman ito.

Gayunman, iginiit ng MalacaƱang na napagod lamang ang pangulo noong weekend kayaā€™t hindi ito nakadalo sa ilang okasyon kabilang na ang selebrasyon ng araw ng kalayaan noong June 12.

Facebook Comments