Nagdiwang ng kaarawan-pinagbabaril-kasamahan damay

General Santos City—patay ang isang driver na nagdiwang ng kanyang kaarawan habang kritikal naman ang kasamahan nito matapos pinagbabaril ng riding in tandem sa area ng Prk. 5, Lledo Subd., Barangay Lagao, Gensan.

Kinilala ang biktima na si Rodel Nain, 30, driver, residenti ng Malungon, Sarangani Province. Habang kritikal naman ang kasamahan nitong si Joey Abraham, 31, helper, residenti ng Malungon.

Sa initial investigation ng Police Station 6, napag-alamang alas 6:30 kagabi galing sa selebrasyon ng kanyang kaarawan ang biktimang driver na si Nain at pauli n asana kasama ng kanyang helper na si Abraham ng biglang mag dumating na dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.


Unang binaril si Nain sa kanyang ulo na naging dahilan ng kanyang pagkamatay, bago binaril si Abraham, limang beses sa ibat-ibang parti ng kanyang katawan. Agad na tumakas ang mga suspek habang si Abraham ay kaagad dinala ng St. Elizabeth Hospital.
Patuloy pa ang ginagawang imbistigasyon ng pulisya at hindi pa tumbok ang motibo ng nasabing krimen.

Facebook Comments