Ngayong araw inaasahan na papalo sa Extreme Caution Level ang heat index ayon sa pagtataya ng PAGASA.
Posible ang heat Exhaustion at Heat stroke sa ganitong init ng panahon.
Dahil dito, ilang lokal na Pamahalaan sa Pangasinan ang muling nagsuspinde ng face-to-face classes bilang pagsasaalang alang sa kapakanan ng mga mag-aaral at guro.
PRE- SCHOOL TO SENIOR HIGH SCHOOL
-Calasiao (public at private)
ALL LEVELS
– Malasiqui: Hapon na klase sa mga pampublikong paaralan lamang, hanggang Marso 14.
– Urdaneta City: Hapon na klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan, hanggang Marso 14.
– San Fabian: Hapon na klase sa mga pampublikong paaralan lamang, hanggang Marso 14.
– Mapandan: Hapon na klase sa mga pampublikong paaralan lamang.
– Santa Barbara: Hapon na klase sa mga pampublikong paaralan lamang.
Kahapon, naitala ng PAGASA Dagupan ang 40°C na heat index. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









