Ilang LGUs, nakapag-ani na ng assorted crops sa ilalim ng urban agriculture ayon sa DA

Ipinagmalaki ngayon ng Department of Agriculture (DA) na nagpapakita na ng positibong bunga ang urban agriculture project sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Assistant Director Glenn Panganiban ng Bureau of Plant Industry, kabilang sa mga accomplishments ng urban agriculture project ay ang aanihing kalahating toneladang pananim ng monggo mula sa isang ektaryang taniman sa Muntinlupa City.

Assorted crops din ang naani sa mga urban garden na inaasikaso ng local government units sa Malabon at Las Piñas.


Ang urban agriculture program ay naglalayong makamit ang food security, partikular sa mga lugar na matindi ang kahirapaan at naapektuhan ang mga kabuhayan dulot ng mga quarantine measures kaugnay ng COVID-19.

Facebook Comments