Kinumpirma ng Cebu Pacific na may ilang lokal na pamahalaan ang nag-oobliga sa mga pasahero na magprisinta ng antigen test result kahit na fully vaccinated na ang traveller.
Kabilang dito ang Dumaguete kung saan kailangan ng pasahero na magprisinta sa kanilang pag-check-in ng vaccination card para sa fully vaccinated travelers, gayundin ang negative antigen test result at S-pass mula sa Local Government Unit (LGU).
Bunga nito, sinabi ng Cebu Pacific na mahalagang alamin muna ang protocols ng LGU bago bumiyahe.
Sa ngayon, kabilang sa mga lugar na tumatanggap ng vaccination card bilang travel requirement ang Cauayan City sa Isabela province, Cotabato, Dumaguete, Negros Occidental maliban sa Bacolod City at Virac sa Catanduanes.
Facebook Comments