Ilang LGUs sa silangang bahagi ng Metro Manila naka-half-mast ang watawat ng bansa

Nakikiisa ang ilang lokal na pamahalaan na nasa silangang bahagi ng Metro Manila sa pagluluksa ng bansa dahil sa biglaang pagpanaw ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Benigno “Noynoy” Aquino III sa pamamagitan ng paglagay ng watawat ng bansa sa half-mast.

Ang paglagay sa half-mast ng watawat ng Pilipinas ay pagpapakita ng respeto at pagbibigay-pugay sa mga pumanaw na mahahalagang tao ng bansa tulad ng presidente.

Sa pag-iikot ng DZXL News Team sa silang bahagi ng Metro Manila, naka-half-mast ngayong araw ang bandila ng Pilipinas sa Pasig City Hall.


Naka-haft-mast din ang watawat ng Eastern Police District, Pasigueño Museum, at Barangay Hall ng Barangay Rosario.

Gayon din ang main flag pole ng Mandaluyong City Hall, naka-half-mast din.

Sa San Juan City Hall naka-half-mast din ang kanilang bandila ng bansa.

Kahapon, nagpahayag si San Juan City Mayor Francisco Zamora na nakikiramay ang lungsod sa pagpanaw ni dating Pangulong Aquino.

Nagpasalamat din ito sa dating Pangulong Aquino sa kontribusyon nagawa nito sa lungsod noong panahon ng kanyang administrasyon.

Kahapon, pumanaw si Noynoy Aquino na dating pangulo ng bansa sa Capitol Medical Center sa Quezon City.

Si dating Pangulong Noynoy Aquino ay ang ika-15th presidente ng bansa.

Facebook Comments