Ilang LGUs, tiniyak ang pakikipagtulungan sa NTC na payagan ang Telco teams na pumasok sa kanilang lugar para maisa-ayos ang internet connections

Handang makipagtulungan ang ilang LGUs sa apela ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Local Government Units (LGU) at Homeowners Associations (HOA) na ikunsidera ang pagpasok ng telecommunications personnel sa kani-kanilang nasasakupan para maisaayos ang internet connection sa harap nang pagdami ng mga gumagamit ng internet ngayong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) period ang Pilipinas.

Tiniyak ito ng Pasay LGU matapos ipaliwanag ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na mahalaga ang connectivity ngayon para sa mga Filipino para makabangon sa nagpa patuloy na COVID-19 pandemic.

Ngayong nasa ika-limang linggo na, ay sabay naman ang pagdami ng mga negosyo na napililitang pairalin ang work from home arrangements tulad ng Business Processes Outsourcing (BPO) industry, na siyang nanatiling sandigan ng ekonomiya ng bansa at pangunahing nagbibigay trabaho sa maraming Filipino.


Ginawa ni Cordoba ang apela matapos makatanggap ng sumbong ang NTC mula sa ibat-ibang telcos na pinagbabawalan ng mga tauhan ng LGU na makapasok ang kanilang technical field personnel na nakatoka sa repair work sa kanilang fixed broadband access cabinets sa gated villages dahil sa umiiral na community quarantine.

Matatandaan na simula pa lamang nang pairalin ang ECQ ay nilinaw na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the COVID-19 Pandemic na exempted ang mga tauhan ng telecommunication companies sa quarantine para matiyak na maayos na tumatakbo ang serbisyo ng mga telco tulad ng voice calls, text, at data services.

Facebook Comments