Ilang lider ng transport group, nagpakalat ng maling impormasyon patungkol sa PUV modernization program ng gobyerno

Nagpakalat nang maling impormasyon patungkol sa public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan ang ilang lider ng transport group.

Ito ang ibinunyag sa programang Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, ni Pasang Masda national president Obet Martin sa harap ng nagpapatuloy na transport strike ng ilang grupo sa pangunguna ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON).

Iginiit ni Martin, na hindi maaaring hindi nauunawaan ng ilang grupo ang modernization program dahil noong nakaraang buwan ay nagkaroon pa nga ng public consultation tungkol dito matapos itong ipag-utos ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III.


Kaya naman para kay Martin na mayroong mga lider na sadyang ayaw unawain ang programa at aniya’y “destructive” o nagpapaliwanag nang nagpapaliwanag na hindi ito maganda para sa kanilang hanay.

Sinabi pa ni Martin, isa siya sa mga makapagpapatunay na maganda ang modern jeep dahil mayroon na siyang 65 units na tumatakbo sa iba’t ibang ruta.

Facebook Comments