Hinihikayat ng ilang local artists sa lalawigan ng Pangasinan ang publiko na patuloy pa rin na suportahan ang traditional art sa kabila ng pag-usbong ng artificial intelligence o AI.
Ilan sa mga ito na nakapanayam ng IFM News Dagupan Team, sinabing Sa kabila ng kayang magawa ngayon ng artificial intelligence ay naniniwala pa rin ang mga ito na hindi pa rin matatalo ng AI ang traditional at mas pulidong paggawa ng art canvas.
Sa Kasalukuyan, Tampok ang gawang obra ng mga ito sa isang art exhibit sa isang mall sa Urdaneta City.
Anila, sa pamamagitan umano ng pagbisita sa mga ganitong art exhibition ay malaking suporta ito sa larangan ng sining sa bansa.
Sa ngayon, patuloy rin ang pagsusulong ng mga local artist lalo na ang mga kabataan na maipakilala pa sa mga Pangasinense ang art bilang bahagi ng tradisyon at kultura hindi kailanman dapat mawala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









